Tuesday, September 1, 2009

Tropang lagalag

Di maalis sa isip ko ang despedidang ginawa namin para kay neil kanina lang. Nakakalungkot kasi mababawasan na naman ang tropang lagalag. 8 mos. ago dalawa sa tropa namin ang nabawas, si Bart na nagpunta ng canada para marating ang mga pangarap namin sa buhay at si dave na pumunta naman ng quatar. Malungkot kasi ngayon si neil naman ang aalis. Wala na kaming lalaki na natitira sa grupo tanging si Ras na lang. hays...

Nagsimula ang aming pagkakaibigan ng magkasama sama kami bilang magkakatrabaho sa Q.C. Inspection Section sa pamumuno ni Sir Ruben. Marami na rin kaming napagdaanan sa apat na taon naming pagsasama bilang magkatrabaho, magkukumare at magkakaibigan. May lungkot, luha, saya at tawanan. Sabi nga di kayang buwagin ang samahan ng original q.c. inspectors. 3 section na din ang aking nalipatan pero eto pa din kami at magkakasama. Minsan di maiiwasan na magkainisan dahil sa trabaho pero dahil sa kilala na namin ang bawat isa eto pa din kami matatag na magkakasama. Di kami perpektong magkakaibigan dahil tulad din ng mga ibang samahan marami na rin kaming napagdaanan na samaan ng loob at kagalitan. Pero di namin hinayaan na masira ito ng panahon. Napakasaya kung babalikan natin ang mga memories ng aming samahan.No dull moments ika nga. Pag di ka nakasama sa grupo malungkot, kulang....

Ngunit di natin mapipigil na dumating ang ganitong pagkakataon na minsan isang araw isa-isa na ring aalis para sa kinabukasan ng pamilya. Kung ating iisipin tama lang diba greener pasture naman ang pupuntahan. Pero bakit di maalis ang lungkot sa puso, ang bigat ng damdamin, ang luha na kahit anong pigil mo ay patuloy ang pagpatak. Ilang kaibigan ko na din ang dumating at umalis pero parehas lang ang intensity ng feeling, MASAKIT...MALUNGKOT...Naalala ko pa na umalis ang aking asawa papuntang canada, sabi ko noon matagal na naming pangarap 'to. Matagal na naming plano 'to. Pero sa pagkakataong ýon ang naiisip ko di baleng walang pera basta magkakasama...Di baleng mahirap ang buhay basta tulong-tulong sa paglutas ng lahat ng pangangailan...Kaya lang kailangan talaga.

Tulad ni Neil alam kong plano nya 'to matagal na. Gagawin nya 'to para sa kanyang magulang, pamangkin na umaasa sa kanya. He needs to grow thats why Neil decided to go to another place.

Kaya bilang kaibigan ni neil suportahan nalang kita kahit saan ka man mapunta.I love you Neil...Goodluck.

1 comment:

  1. sweet naman ni chi...hehe! malamang hindi matigil ang luha mo sa pagagawa nito daig pa ang panonood mo ng And I Love You So...haha!
    Good Work! Nice Post!
    Paalam Neil
    -Sherwin & Niña

    ReplyDelete

Guestbook

Together