Sunday, August 23, 2009

Blog


Kahit kailan wala naman talaga akong hilig na mag surf ng kung anu-ano sa internet.Pero minsan ginagawa ko 'to kung kinakailangan lang.Wala ako ni isa mang idea kung ano yung twitter, blogger etc...Dahil sa kahiligan ko sa kanta tanging imeem, youtube, imesh, limewire lang ang alam ko at kadalasang binibisita para malaman kung ano ang bagong hit ngayon, pati nga ang lyrics.com pinapatulan ko.Meron akong Facebook acnt. pero kahit kelan hindi ko ito na update sabihin na natin na di ko sya alam gamitin.hehehehe.Frienster nga lang ang laging nakabukas sa akin noon at syempre ang YM.After namin mag usap ng hubby ko sa YM habang nakabukas ang FS games naman ang pinagkakaabalahan ko diner dash, fashion dash, wedding dash at lahat ng dash ang sobrang nakahiligan ko.Dahil sa natapos ko na at nasawa na rin ako sa mga DASH na 'to minsan kong sinubukan magbukas ng FB tinignan, inaral at infairness ang dami mo pa lang madi discover dito kasi sobra palang daming games ang nakapaloob sa FB.Hanggang sa unti-unti ko ng nakalimutang buksan at laruin ang mga dati kong hilig, puro FB,FB,FB at FB na lang ang lagi kong binubuksan.Nakakatuwa kasi may chat, games at updated ka sa lahat ng nangyayari at ginagawa ng mga friend list mo.Ang nakakatuwa pa yung mga friends mo at even ang mga ka officemate mo na di mo naman pansin dati eh magiging kaibigan mo dahil sa FB.

Pero teka ano 'to akala ko FB lang at bakit ngayon meron pa akong blogger acnt.hahahaha...Sabi nga ng isa kong friend "At Bakit ate chi kelan ka pa natutong mag-blog" hahahaha kelan nga ba?Nakakatawa dahil sa isang ka opisina ko na nakilala ko din sa FB sya ang nag introduce sa akin ng twitter at ngayon may blogger acnt. pa ako.Ni minsan di ko nga ginustong magsulat ng kung anu-ano, wala nga akong hilig magbasa magsusulat pa.Dati nakapag compose ako ng kanta siguro dahil sobrang hilig ko lang talaga sa music.Pero ang magsulat,MAG-BLOG.hay naku wala akong tyaga...Nag try ako minsan dahil na din sa napilit ako ng officemate ko 1,2 at ngayon pang ilang blog ko na ba 'to? 6? or 7?Ewan di ko alam.hehehehe...Nakakalibang din palang magblog.Naeexpress mo ang sarili mo at kung ano man ang nasa isip mo.Naisusulat mo ang lahat ng gusto mo na walang makakapigil sa ýo.May mag comment salamat walang magcomment salamat din, di man mabasa ok lang din basta ang mahalaga naisulat mo ang gusto mong isulat.Nakakatuwa kasi napapractice ko ang frustration ko.Matagal na din kasi akong pinagsusulat ng kuya ko pero di ko magawa.Una wala akong time at pangalawa ni hindi ko alam kung ano man ang isusulat ko.Pero dito sa blog kahit ano pwede mong i-blog.Story ng iba, story mo, happenings, lahat pwede.Hanggang kelan ko kaya kayang imaintain ang pag ba blog na 'to.Sana lang di ako magsawa katulad ng ibang nakahiligan ko noon at ngayon ay nakasawaan ko na din.

1 comment:

  1. parang kilala ko yang tinutukoy mo..yung ka-officemate mo..yung gwapong si moks ba yun? yung dang gwapong yun? hahaha! epal lang...

    More post to come...asahan ko ang marami mo pang ise-share sa mundo ng blogosperyo...salamat at nag enjoy ka dito...

    ReplyDelete

Guestbook

Together