Sunday, August 2, 2009

Pres. Maria Corazon C. Aquino (1933 - 2009)



Di ko maintindihan ang sarali kung bakit ako nalungkot nang makita ko ang balita sabado ng 6 ng umaga sa Facebook na ang kauna unahang babaeng presidente ng ating bansang Pilipinas na si former President Maria Corazon C. Aquino ay pumanaw na. 3:18ng madaling araw ng pumanaw ang ating dating pangulo sa Makati Medical Center. Hindi lingid sa ating lahat na siya ay may karamdaman at ito ay Colon Cancer. Masasabi kong di ganun kadali ang pinagdaanan na hirap ng ating dating pangulo sa kanyang karamdaman maging ang kanyang pamilya. Sapagkat naranasan din naming pamilya ng ang aking ama ay nagkaroon ng Cancer na naging dahilan din ng kanyang pagpanaw.

Naalala ko pa ng nagkaroon ng pagkakaisa ang Pilipinas sa pamumuno ni Ex-President Cory Aquino nung taong 1986. Wala akong mapanood na cartoons noon dahil lahat ng palabas sa TV ay walang iba kundi ang "People Power". At lagi kong nadidinig noon ang kantang Magkaisa na naging pabotito ko din noong bata ako dahil yun lang ang naririnig ko noong panahon na yun.

Ngayon habang nanonood ako ng tribute para sa kanya sa ASAP '09 di ko mapigilan ang di maluha marahil sa kadahilanang malaki ang naging kontribusyon nya sa pagkakaisa at pagkikipaglaban para sa ating bansa.

Sa kanyang pagpanaw tayong lahat ay magpasalamat sa kanyang lakas ng loob at pagmamahal sa ating lupang sinilangan.

1 comment:

Guestbook

Together