Tuesday, December 29, 2009

Spending Christmas with my Siblings

Soliman Clan
kuya elcid, ate joy, che-che, mama, ate jeanet, ate cathy,
rain-rain, kuya bhong, kuya gilbert, audwin


Wala nang sasaya pa sa pag ce-celebrate ng Christmas Season with your family...Dalawang magkasunod na Pasko na din kaming nag Christmas Eve kasama ang mga kapatid ko sa Cavite...Bihira kasing mangyari 'to or let's say ngayon lang nangyari 'to after 8 years ng pagkakaron ko ng sariling pamilya...dalawang pasko na din, na di nakakasama ang aking mahal na asawa kaya't sinamantala ko na din ang pagkakataon na makasama ang aking mga ate at kuya sa pagce-celebrate ng pasko (hehe..) lalo ngayon kumpleto kami dahil kaka uwi lang ng ate ko from dubai...

Mama, Ate Jeanet, Ate Cathy, che-che
(from Oldest to youngest hehe)

On our way to Tagaytay

Hindi ganun kalaki ang budget namin, kung tutuusin nga eh masyado lang naming pinagod ang sarili namin kasi kumain lang naman kami sa tagaytay tapos konting picture taking then uwi na.Pwede naman kaming kumain sa yellow cab sa may SM Molino na pinaka malapit na SM sa kanila...Kapos na din naman kami sa oras dahil 2pm na nung makapag desisyon kaming mag tagaytay...Pero makikita mo na sa bawat letrato namin ang saya ng bawat isa. Di alintana ang pagod at puyat siguro nga dahil na rin sa sobrang sabik na magkasama-sama...Iba talaga ang pasko kasama ang buong mong pamilya iba ang pakiramdam...



che-che, ate cathy, ate jeanet
(ang tatlong maria)

Soliman's

Erika and me
(panira sa solo moment ko haha..)

hayst e2 pa solo dapat kaso may mga sumusingit hehehe...

Nung pagkakataon na yun napansin ko din na yung mga napakakukulit kong puro lalaki na pamangkin ay mga binata at dalaga na pala...ang lalaki na nila...na yung mga chikiting patrol na sobrang nakakapagpa hi-blood sa akin nung dalaga ako eh may kanya kanya ng ligaw...hayst ang bilis ng panahon...tumatanda na din ako...


Ate joy and Kuya Bhong

Sweet moment namin ni rain-rain

Gianne Caren at ate Cathy

Erika at ate Jeanet

papahuli ba kami ni mama

gianne, tita che and erika
(malalaki pa sila sa akin)

Sobrang bilis talaga ng panahon na di mo napapansin ang lahat ng bagay at pagkakataon. Gaya na lang nitong mga pamangkin ko na sobrang lalaki na ngayon samantalang dati hayst naku maloloka ka sa sobrang kakulitan nila....

Ang pagdiriwang ng pasko kasama ng buong pamilya ay di matutumbasan ng kahit na ano..at kahit magkano...iba yung saya na mararamdaman mo kasama sila..di man ganun kaenggrande ang celebration yung meron lang konting mapagsaluhan ay sapat na basta sama-sama...Di ko maikukumpara ang pasko ko ngayon sa kahit na anung bagay. Di ko man kasama si bart masaya pa din dahil kasama ko ang mga kapatid ko at ang aking ina na nagcelebrate ng christmas...

Maraming Salamat at kahit papano ay nagkaron kami ng bonding moments kahit sandali lang...

Merry Christmas to All!!!!

at ang mga pamatay ko na style hehe



No comments:

Post a Comment

Guestbook

Together