Thursday, December 31, 2009

ilang oras na lang...2010


Ilang oras na lang bagong taon na....Muli haharap na naman tayo sa bagong pagsubok ng buhay. Sa isang taon na nakalipas maraming magaganda ngunit mas maraming pagsubok ang aking hinarap sa taong 2009, pero masasabi ko na ang mga pagsubok na ito ang nakatulong upang tumatag at tumayo ako sa sarili kong paa, at ang di umasa sa iba. Natural sa aking sistema ang pagiging dependent ngunit sa pagkakataon na ito masasabi kong kaya kong harapin anu mang pagsubok ang dumating.

Sa taong 2009 marami din akong nadiscover sa sarili ko...tulad na lang ang pagpasok sa mundo ng blog, salamat kay bes dahil sya ang nag insist na pasukin ko 'to.

Maraming Salamat sa mga kaibigan na nandyan lagi at handang makinig sa akin. Si BF na hindi ako iniwan lalo't higit sa down moments ko....Sa mga bagong kaibigan si mah frend at si bes na kahit na ngayon ko lang sila nakilala at nakasama alam kong totoo lahat at walang halung kaplastikan ang pakikisama nila sa akin. Si sweetie pie wanna na naniniwala sa akin kahit pa may iba syang naririnig..wanna salamar sa tiwala.Wala man akong masyadong napatunayan sa ýo still yung trust na binigay mo sa akin masyado kong naapreciate.

Salamat at kahit papano nalampasan ko ang lahat ng pagsubok na mag-isa na walang lavz na inaasahan. Napatunayan ko na kahit papano kaya kong mag isa...Mabuhay mag-isa asikasuhin ang mga pangangailangan ng aking anak mag isa, mag drive harapin ang mga malalaking trak sa hiway at marami bang iba na akala ko di ko kaya...

Sa pagpasok ng panibagong taon nawa'y maging smooth although malabong mangyari dahil kahit saang daan dito sa pilipinas laging may lubak...pero tulad ng pagdadrive mag minor na lang muna pag may lubak para di kumaldag ng husto at masira ang shock ng sasakyan.Ngunit siguro ang laging sagot sa problema magdasal at hayaan nating ang diyos ang gumalaw para sa atin...

Para sa lahat Happy New Year....God Bless to each and everyone of us...

me and sweetie wanna

mah frend, me and BF

Bes, mah frend and me

1 comment:

Guestbook

Together