Friday, October 30, 2009

Lucky to have my Man



Napakahirap talagang gumawa ng blog para sa isang taong mahalaga sa ýo. Kung ano ang isusulat ko dito hanggang ngayon di ko pa din alam kung pano sisimulan.Kung gano ko kamahal at kung bakit ko minahal ay sobrang hirap i-express para sa kin. Kung minsan mapapaisip ako bakit ko nga ba sya minahal .....I can't find an exact word to describe why do i love him. Basta ang alam ko mahal ko sya di ko sya kayang mawala sa buhay ko. So cheezy but true. Sa sobrang dami ng pinag daanan namin, sobrang daming trials na nakapagpatatag sa aming dalawa. Na kahit pa magkalayo kami alam kong walang makapaghihiwalay sa amin.

Sobrang swerte ko at dumating sya sa buhay ko...Na alam kong kahit na ano kaya nyang gawin para aming mag-ina....Napakarami kong pagkukulang sa tao na 'to pero kahit kelan di naging big deal.Kahit kelan di nya ako pinaghanapan. Kung meron mang isang tao na masasabi kong bestfriend ko, sya yun. Maaasahan ko sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng oras, sabi nga ng isang kaibigan ang sarap ng feeling pag natagpuan mo na ang tao na bubuo ng buhay mo "MASAYA".Sya lang ang taong nakakapagpakalma sa 'kin, ang taong nakakapagpasunod sa matigas kong ulo, ang taong nakapagpapasunod sa makulit koAdd Imageng isip, ang taong pagnakita ko at tinitigan ako tumitiklop ako.hahaha...

Ang halaga ng isang tao ay makikita mo lang pag nalayo na sya sa ýo. Ramdam na ramdam mo ang pag iisa. Pero kahit pa malayo para pa rin syang laging nasa tabi ko dahil kahit kelan di nya pinadama na magkalayo kami. Lagi pa rin syang nandyan para supostahan ako...There are times that I almost give up sa mga problema, sa trabaho, sa lahat.... sya lang ang kaisa isang tao na nakakapagpakalma sa akin.Na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na harapin ang lahat ng bagay Mag-isa. Sya yung taong laging nandyan para patatagin ang isang Chiharo.Sya yung taong laging handang itayo ako.... God I miss him so much.

Sa ngayon isa lang ang nasa isip ko ang magkasama-sama kaming tatlo at sama-samang buuin ang matagal na naming mga pangarap sa buhay.

1 comment:

  1. that`s what we call love...it`s unexplanable...hehehe

    Happy Holidays!

    ReplyDelete

Guestbook

Together