Friday, October 14, 2011

Salisi Gang



Maraming iba’t ibang modus ang mga tao ngayon. Di na natin alam kung sino sa kanila ang mga posibleng gumawa sa atin ng masama. Car napping, pandurukot, panlalansi or yung mga tinatawag na budol – budol at pati na rin salisi gang at kung anu – ano pa.

Namalagi ako nung college ako sa Caloocan dun ako tumira sa isang boarding house na malapit sa school namin, ngunit kahit kelan hindi ko naexperience ang manakawan. Madalas nakakakita ako, minsan nama’y naikukwento ng mga kaibigan ang kanilang mga experiences.

Kamakailan lang October 05, 2011, 4:00pm sa SM Marilao nabiktima ako ng salisi. Galing sa school ng aking anak nagkita kami ng kaibigan ko sa may Tabang. Dumeretso kami ng SM Marilao para ipaayos or magpapalit ako ng number sa may SUN Cellular. At dahil kailangan ng ID dinala ko ang bag ko kung saan duon nakalagay lahat ng ID’s, Credit cards, ATM. Inalis ko pa yung pera na pampondo ko sa cheque na nagkakahalaga ng P 5,500 doon sa wallet na iniwan ko sa car at inilipat ko sa bag na bitbit ko. May pabango Elizabeth Arden “Green Tea” uwi sa akin ng ate ko galling Dubai, Coin Purse na Red “MNG” ang tatak na regalo naman sa akin ng hipag ko nung 2009 Christmas at yung bag ko ay “LACOSTE” navy blue na pinagipunan ko pa para lang mabili ko. Dalawang oras kami inabot sa SUN Cellular. Pagkatapos ay pumunta kami sa department store para bumili ng panregalo sa pamangkin ng kaibigan ko. Nagpapalit muna sya ng pera pagkatapos ay naghanap na kami ng regalo. Dala ko ang stroller ng anak ko ngunit di sya nakasakay ipinasabit ko yung bag ko sa stroller sinabit naman nung kaibigan ko. Karga ko ang anak ko na special child dahil antok na sya. Hanggang sa nakatulog na sya medyo mabigat ang anak ko dahil 20 kilos ang timbang nya. Kaya’t pinasabit ko yung bag ko. Hanggang sa di ko na napansin at nawala na din sa isip ko yung bag ko. Nagpabalot ng regalo ang kaibigan ko habang iniintay ko sya nasaharapan ko ang stroller kung saan nakasabit ang bag ko. May 2 babae na umeksena at sinabi dun sa nagbabalot ng regalo na kung pwede daw pang ipabalot ang greeting card. Lahat ng tao napatingin sa kanya. Di ko naman din pinansin. Hanggang sa naisip kong ibaba na ang anak ko sa stroller gumilid ako kung saan konti ang tao dahil sa pakiramdam ko ang daming tao sa paligid ko. Pumunta ako sa likod para ilock ang stroller pero nung time na yun wala na akong bag na nakita. Ang akala ko kinuha ng friend ko para isafe. Pumunta ako sa Harapan ng stroller may isang babae na nagwawagwag ng gift wrapper sa mukha ko napatingin ako sa kanya tapos sabi ko excuse me nag sorry pa yung babae. Nung nailagay ko na sa stroller ang anak ko pinuntahan ko na yung friend ko. Una nyang sinabi bag mo asaan bigla akong nagulantang nung sinabi nya yun. Yun pala nakuha na. Ang masakit nakalagay sa bag ko pati susi ng sasakyan at 2 cellphone. Ok naman at kahit papano nagpaallert agad ang SM para sa sasakyan. Di ko na nakuha ang bag ko. Kinabukasan narecover yung mga ID’s sa Petron Meycauayan itinawag sa akin nang may ari ng gasolinahan.

Naisip ko din na buti na lang at bag lang ang nakuha. Dahil kung sakali at di sila nakachance at sinundan kami maaaring hanggang pag uwi naming ay sumunod baka mas wprst pa dun ang nagyari.

Kailangan na kung nasa labas ka sobrang ingat ang kailangan.

No comments:

Post a Comment

Guestbook

Together