Tuesday, August 24, 2010

10 years


Ilang araw na lang at matatapos na ang maliligayang araw ko sa Pascual Laboratories, Inc. kung saan 10 taon akong nag serbisyo bilang isang empleyado. Madaming mga bagay ang di ko malilimutan sa 10 taon kong paglilingkod sa kumpanyang ito. Lalo't higit ang mga co-employees ko na naging malapit sa akin.

March 01, 2000 ng naging isa akong casual sa Pascuallab. 1st assignment Quality Control Inspector. Maám Bessie sya ang kauna-unahan kong nakilalang supervisor sa Pascuallab, dahil sya ang naginterview at naging bisor ko. Di ko makalimutan ng matanggap ako dito bilang Quality Control Inspector masaya sobrang saya sapagkat marami ang nagmimithi na mapabilang sa mga empleyado ng Pascuallab.

March 15, 2000 to August 15, 2004 2nd assignment Quality Control Stability Analyst, Raw Material Analyst, New Product Development Analyst. Maám Nora sya ang naging Bisor ko sa QC Stability at sya rin ang nagbigay sa akin ng chance na maregular sa Pascuallab August 15, 2000 ng maregular ako sa Pascuallab.. Ate Louie unang mentor as analyst and unang kaibigan. Madami akong natutunan kay Ate Louie, ang pagiging matatag lalong lalo na sa mga issue, maprinsipyo, matibay. Di ko makakalimutan ang tao na 'to at ang mga naging kaibigan ko sa Stability mga tunay na kaibigan na alam mong laging nandyan at masasandalan... Sa kanila ko naipakita ang lahat ng kahinaan ko, sinuportahan nila yun at di nila ako pinabayaan. Louie Lindayag, Rachellie Batongbakal, Christopher Agustin, at Michael Eusebio. Lahat sila wala na rin sa Pascual. Unang nagresign si Rache nagtayo sya ng Botika sa sta. maria. Sumunod si Tupe na isa ng senior analyst sa Spimaco, Louie na sa kasalukuyan ay may sarili ng pwesto sa divisoria at si michael na isa na ring senior analyst sa Spimaco. Noong nagresign sila sobrang lungkot ko na sa isip ko nagiisa na ako.

Hanggang sa nabalik ako sa QC Inspection August 16, 2004. Nabalik muli ako kay Maám Bessie na noong panahon na yun ay di nya ako type kasi pasaway daw ako...hhmmmm....kulang na lang ipamigay nya ako sa ibang department...ilang panahon na naging bisor ko sya muli November 2004 naging QC Manager sya kaya't napalitan sya ni Sir Ruben... Madami di akong natutunan sa tao na 'to sinuportahan ko sya ng todo todo...sapagkat sya ang nagbalik at nagbuhay ng tiwala ko sa sarili ko.Dahil nung mga panahon na yun ay down na ako at sobrang baba ng senses ko... Naging masaya ako sa QC Inspection nakasama ko dito sina Cecil dela Cruz, Eden Ong, Rachelle Canda, Neil Pabustan, Johanna Garcia, isama na din natin ang inampon namin na si Mark Ilang-Ilang, pati na di si Nessie Agustin na kapit bahay namin... Sobrang saya sa Inspection lahat ng raket, gimikan, kainan, at program sa pascual lalo't may sayawan at kantahan eh sinalihan namin. Isa ito sa grupong di ko makakalimutan na nagmahal sa akin kung sino ako. Sa section na ito na din ako nagkaanak si Clarizza Angela Bartolome na minahal nila ng husto kahit pa isang special child ang naging anak ko. Naging kumare ko silang lahat. Sila ang naging kaagapay at nagpalakas ng loob ko sa lahat ng problema na hinarap ko nung naging anak ko si Clarizza.

September 01, 2006 ng maging supervisor ako Stability Supervisor. Ako ang kauna unahang tao na mapopromote na umiiyak pa dahil ayokong maposisyon kaso walang choice kailangang tanggapin ang offer sayang din... Masarap na SOBRANG hirap ang maging bisor pero dito ako nagmature. 4 years din akong naging bisor 2 years sa stability at 2 yrs sa In-process laboratory... sobrang hirap pero kahit papano kinakaya.

At ngayon August 20, 2010 lilisanin ko na ang kumpanya na nagpatatag sa akin. Ang kumpanyang bumuo ng aking pakpak para makalipad ng mataas. Malungkot na may halong saya malungkot dahil iiwan ko na ang aking mga kaibigan masaya kasi bubuo na ako ng aking sariling pangarap...

Salamat Pascuallab. sa experience at sa lahat ng bagay na ibinigay mo sa aking pagkatao...

Guestbook

Together