Saturday, January 2, 2010

2010


Di gaya ng mga nakaraang Jan. 01 ngayon araw na 'to sa bahay lang kami nagstay kasama ang aking Mama at ang aking anak.Nakakapanibago dahil usually nasa galaan ako at kasama ang aking byanan...Sa unang araw ng taong ito pinili ko ang magstay at magpahinga lang dito sa bahay dahil una umiiwas ako sa gastos.hahaha...Gusto ko na din kasing makaipon at makapagsimula ng ibang buhay.Marami akong pangarap na gusto kong masimulan ngayon taon na 'to. Gusto ko ding maumpisahan ng tama ang buhay ko ngayong 2010. Di ko naman din sinasabi na mali ang naging takbo ng buhay ko noong 2009 pero gusto ko na ding ituwid lahat ng baluktot na nagawa ko noong 2009 lalot higit ang sobrang pagiging magastos ko na masyado akong nalibang sa mga bagay na nakapaligid sa akin...

Ngayong 2010 hanggat maaari gusto kong ma-accomplished lahat ng project ko, bago dumating ang aking asawa, para matuwa naman sya sa akin.hahaha...Excited na din ako kasi nalalapit na din ang kanyang pagdating 11 mos and 15 days na lang padating na sya...hahaha...

Sana ang taong ito ay maging maganda ang pasok sa bawat isa sa atin...wala na sanang Ondoy na dumating, maging peaceful ang election... atbp...

Muli ang pagbati ng Maligayang Bagong Taon sa bawat isa ang aking ipinapaabot...Welcome 2010!!!!!!!!!


Guestbook

Together